MANILA, Philippines - Hinatulan ng 30 taon pagkakabilanggo ang dalawang Chinese national matapos na mapatunayang nagkasala sa pagdadala ng mahigit sa 330 kilos ng shabu sa ating bansa noong 2001.
Sa 41-pahinang desisyon, napatunayan ni Regional Trial Court Branch (RTC) 79 Judge Nadine Jessica Corazon Fama na nagkasala ang magkapatid na sina Edwin Chua at William Chua dahil sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 1972.
Pinatawan ng huwes ng reclusion perpetua o kahit man lamang 30 taon pagkakapiit. Ang paglabag ay inihain kaugnay sa 1972 law at hindi sa Comprehensive Dangerous Drugs Law of 2002 dahil ang pagdakip ay nangyari noong Nov. 15, 2001 sa Zambales.
Ang kaso ay orihinal na isinampa sa isang RTC sa Iba, pero kalaunan ay inilipat sa Quezon City kasunod ang isang motion for transfer at ang sumusunod na approval ng Supreme Court.
Ang kaso ay isinampa matapos na ang akusado ay nadakip ng elemento ng NBI na nakaharang sa dalawang asian utility vehicles isa ay minamaneho ni Tan, habang ang isa ay dala ng magkapatid na Chua sa ginawang operasyon kung saan nasabat ang malaking kargamento ng illegal na droga.
Ayon kay Prosecution witness Geovel Aperio, isang special investigator ng NBI, inatasan siya ng ahensya para maghanda ng isang operasyon kasama ang kanyang team para masabat ang illegal shipment na dadaong sa may baybayin ng La Union.
Sabi nito, ang source umano ng impormasyon ay ang Philippine National Police (PNP) Narcotics Group at ang Drug Enforcement Agency ng United States of America.
Source: Philstar
from DU30 HOST http://bit.ly/29YZP31
via IFTTT
0 comments:
Post a Comment