Saturday, June 11, 2016

Incoming Vice President. Leni Robredo nanganganib na mabalewala ang kanyang posisyon.

Ang ikalawang pangulo na nanalo sa eleksyon 2016 na si Vice President-elect Leni Robredo ay nanganganib mabalewala ang kanyang posisyon sa kongreso, kapag natuloy ang pag papalit ng sistema ng Gobyerno.
Ayon ito kay Davao Del Norte Representative Pantaleon Bebot Alvarez na hindi na kailangan ang isang Bise Presidente kapag pinaboran ng mga kongresista ang Federal Parliamentary Form Of Government sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Constituent Assembly sa 17th Congress.
Kabilang na ang mga agenda ng administrasyon ni President-elect Rodrigo Roa Duterte ang pagpapalit ng sistema sa gobyerno.
Ngunit mahaba-haba pa ang kailangang lakbayin  ng panukalang Pederalismo, sinabi nga ni Alvarez na tiyak ang lahat na ito ay magkakaroon ng linaw sa mata ng bawat pilipino matapos ang termino ni incoming President Rodrigo Roa Duterte sa taong 2022.

  • Blogger Comments
  • Facebook Comments

0 comments:

Post a Comment

Item Reviewed: Incoming Vice President. Leni Robredo nanganganib na mabalewala ang kanyang posisyon. Rating: 5 Reviewed By: Admin